Mga KYUT at mga nakakata-KYUT kong mga Classmates:
Kamustasa!
Nais ko lamang pong ilathala ang mga dahilan kung bakit po tayo sa CNHS (Bagani Campo, Candon City) magdidiwang ng ating reunion?
Bakit hindi? Hindi ba’t tayo ay naging magaaral ng Candon National High School? Bakit pa nating kelangang lumayo? Naiintindihan ko po na marami sa atin ang nagnanais na pumunta sa beach upang isagawa ang reunion. Hindi naman po ako tuwirang tumututol dito, sa makatuwid gusto ko din po sanang magreunion tayo sa beach, ngunit maaari naman nating gawin iyon sa ibang pagkakataon. Hindi naman siguro ikakasama ng loob ninyo kung sa paaralan natin tayo mag-party? Hindi rin naman siguro masama kung balikan natin ang CNHS at doon tayo mag-party…
Pangalawa. Sa gym po tayo.
Pangatlo. Wala na pong better option.
Pang-apat. Ala na pong tayong ibang dapat gawin kundi ihanda ang ating mga sarili. Tulad ko, sinusubukan ko nang magpapayat para sa reunion para kapag nagkitakita tayo eh hindi nyo ako tuksuing mataba. Hehehehehe.
***
Aatend na lang po tayo sa reunion. Yun na lang po ang ating gawin upang maging makabuluhan ang ating mga paghahanda at mapagusapan ang mga isyu (tulad ng nalalapit na homecoming natin ng 2012). Dapat po tayong maki-isa at magkaisa para sa ikabubuti ng ating klase at nang kabuuan ng ating batch.
Sana po ay dumalo po tayong lahat! Maraming salamat po.
Gumagalang,
(Sgd) RF Valdez
Quezon City, Philippines
December 02, 2008